Eleksiyon nanaman. Ito ang ikalawang beses kong pagboto. Ang una ay noong 2004 Presidential Election, ang eleksiyon na punong puno ng pandaraya and pangugulang ng administrasyon. Ngayon, heto parin ako at bumoto.
Ewan ko ba, alam ko namang madumi ang pulitika, pero bakit nga ba ako nagtyatyagang bumoto, e wala namang mababago. masakit ang katotohanan na ito, ngunit tanggap ko na din. Tanggap na rin yata ng mga pinoy na wala ng pag-asa ang bayan.
Ngunit, Datapwat, Subalit, gaya nga ng aking nasabi, bumoto pa rin ako gamit ang natitirang kakarampot na pag-asang "baka may mabago pa", kapag binoto ko ang iilang bagong politiko.
Apat lamang ang inilagay kong pangalan sa aking balota sa posisyon ng Senador- ito ay sina Cayetano, Escudero, Bautista at Trillanes. Apat lang? Oo apat lang, gustuhin ko mang maglagay ng labingdalawa, wala na talaga akong mailagay at hindi kaya ng kamay ko isulat ang mga pangalan ng mga mandarayang pulitiko na patuloy at patuloy kumakamkam ng kaban ng bayan at patuloy na nagpapahirap sa mga Pilipino.
Dalangin ko na mailuklok ang mga taong tunay na makakapagbago sa Pilipinas. Malubhang imposible na itong maganap, ngunit sa isang sulok ng aking puso ay may natititra pa rin namang pag-asa kahit paano. Malay natin, may malaking mabago sa kalagayan ng ating bansa dahil sa isa kong boto.
Monday, May 14, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment