Wednesday, December 24, 2008

Christmas Eve 2008

It's the 24th of December. Nakakatamad mag-work kasi nga off mode na rin ako talaga. We only punched production up to 9:30 am. Then, we were able to see the night shifters and we had lunch together. In the afternoon, we also had a photoshoot c/o Jantzen. Here, see below our christmas smiles:































***

4pm came, I knew that Hone's waiting for me downstairs so I rushed and we went to our next destination. Hone and I needed to buy last few things like, fruitcake, his gift for my mom, his gift for Ahia Bhon, donuts and cake. Grabe, super pahirapan bumili cake, talagang "What is out, is what all we have." Buti nalang, nahabol kong bilhin yung half Mango cake sa Red Ribbon, or else. Then, we went home. Sobrang nakakapagod sa mall.

***

When we got home, I rushed to wrapped the groceries for Junior's family. FYI. Junior was my subject last year in my case study. I know, wala nanamang pagkain sa hapag nila. Last year, sobrang nakaka-iyak yung scene na yon, ung binigyan namin sila ng food. Hai. Then, when we were on our way to Junior's house, nag-iisip ako kung dun pa rin sila nakatira, pero hopeful naman ako na mabibigay ko eh. Then, when we got there, tulad ng nakaraang Pasko, pahero pa rin ang eksena.... malinis ang hapag, walang nag-aabala, tahimik ang bahay. Lumaki na si Junior pero hindi umayos ang pag-iisip nya, ganon pa rin kasi nga Special Child siya. Nakita ko ang ngiti nya pagkatanggap ng regalo ko, ganon din ang ngiti ng mga magulang nya, pagkatanggap ng groceries. Masarap sa pakiramdam ang makapagbigay at makapagpasaya. On our way out, may nakita pa akong Special Adult, orthopedic case yon, hirap na hirap siyang maglakad kasi nag-twi-twist yung body nya, tapos baku-bako pa ang daan. Binigyan namin siya ng some amount ni Michael.:)

***

Pagdating sa bahay, inayos ko lang yung mga gifts na dadalhin kina Amma. Tapos nun, hindi na ako makakilos sa sobrang pagod. Ayaw ko mag-react sa mga nangyayari. Basta NR ako for awhile. Natamad na din ako magluto ng Carbonara na recipe ni Kuya Alex. Naiisip ko, bukas na lang. I needed to take a bath para ma-charge. Ayun nga, pagkaligo ko, para akong celphone na na-charge. Kinulit ko si Kisha sa room.

***

Diko namalayan na dumating si Hone at pinaabot na ang mga gifts nya. Dumaan muna siya kina Amma, balik na lang daw sabi ni Tito. Tapos nakita ko yung paper bag, pero walang tulips like nung pinagusapan namin. Anyway, nung dumating siya, ayun, binigay niya na yung gifts kina Papa and Mama, sobrang natuwa naman sila, lalo na si Papa, kasi nga, walang siyang belt, tipong yung panggarison yung gamit niya, yung tela. Eh, ayun, yung regalo sa kanya, leather tapos may panyo pa. Si Mama naman, yung necklace nga ung regalo ni ahia, sabi nga ni Mama, parang napaka-expensive naman daw. I know, tuwang -tuwa yung dalawa sa kanya. Ako naman, nung binuksan ko yung gift, sobrang natuwa ako, diko inexpect talaga kung ano yung gift nya sakin. he gave me a jacket. Nakakatuwa, kasi kaya nya pala sinasabi na "white table". ang ganda grabe, parang napaka-expensive, anag ganda ng tela. Hmmm,,, susuotin ko yun sa birthday ko.:) Thank you Hone! I wished na sana magustuhan nya din yung gift ko.

***

Then, we went to Amma's house. Ayun, mingle muna sa kanila. Tapos, kain konti, then, I asked Ahia out, haha, nakakatawa kasi dami istorbo samin bago ko mabihay yung gift. I told HOne na, "Actually, white table din, gift ko sa'yo, sana magustuhan mo." Then, I took the gift form my bag. Naalala ko pa yung reaction niya, na parang, nahihiya buksan.When he opened it, I saw his beautiful smile. Then, ako nagsuot sa kanya ng bracelet. Kung i-cocompare ko yung gift ko sa gift nya sakin, sobrang walang sinabi yung gift ko. After our special moment, nag-ala-Mrs. Santa na ako sa mga kapamilya niya at namigay ng regalo, konting picture, kwento. ayun sulit na sulit na ang Eve. I needed to go home, cyempre, magcchristmas naman ako sa amin di ba. Hinatid ako ni Hone back to our home:)

***

Thank you sa lahat ng bumati sa text, diko man kayo lahat na-replyan, I still wish you and your family a blessed, wonderful and merry Christmas.