"3:30 am, bangon na! Maligo na at maghanda sa huling araw ng pagpasok sa trabaho." ito ang mga nasa isip ko.
Nung paalis nako at ihahatid na ni Papa, "Hay, eto na ang araw na pinakahihintay ko, teka, makuha nga yung php 50 na pamasahe ko". Bag bukas ng pitaka, pagulat kong nasabi, "may extra money ako, pano na-doble 'to? ang alam ko, eto nalang ang pera ko... hmmm". Bigla akong napangiti, at bigla kong nasabi na "Pasado ako sa exam". Nagpabango ako agad, pumasok sa kwarto kung san natutulog sina mama at sinabi ko sa kanya ng may halong excitement, "Ma, pasado nako sa test!". Nagising siya ng nakangiti, nagtanong na, "Talaga anak, pano mo nalaman?". "Basta lang, pasado, ako!" sabay halik sa pingi nya upang magpa-alam. Napangiti na lamnag siya at agad na bumalik sa pagkakahiga at natulog muli matapos kong bulabugin ng kay aga. Pagkalabas ko ng kwarto, nasabi ko sa sarili kong "It's gonna be a great day, ibubuhos ni Lord yung blessing nya sa akin!". Positive Thinking! Oo naman. Dapat lang. Hnaggang sa ihatid ako ng aking Papa, hanggang sa makasakay ng bus, ng jeep at tuuluyang makarating sa Exportbank Plaza.;
Sa loob-loob ko, "Isang napakagandang araw nito". Pag-upo ko, ginawa ko na ang mga routines sa umaga, pero hindi ako makapag-log-in ng tama, walang lumalabas na Macro sa H drive ko, paulit ulit nakong nag-restart ng pc. Mga ilang sandali ang lumipas, dumating na ang mga kasama ko, hindi pa rin ako nakaklog ng tama. Maya-maya pa ay tinannonog ako ng ka-opisina ko kung kamusta na yung resulta nung exam. Tinugon ko siyang ganito, "Interview ko na". "E di pasado ka na?", muli nyang tanong, "Wala pa ang result, mamaya ko pa lang malalaman" aang sagot ko. "E pano mo nalaman na pasado ka kung wala pang result?" tanong nung isa naming kasamahan, "Positive Thinking.", ang tugon ko, "Positive thinking lang yan, alam ko pasado na ako." bukod dun, tinugon ko siya sa aking isip, "that's what I call FAITH- something not see but the evidence of things I hope for!". Ngunit diko na yun binulalas, hindi ko namna na dapat sagutin pa eh. It's enough for me that God knows I have this Faith, claiming what I should have this time, as he have promised.
Yeah Faith, later on, bigla ko nalang nasabi, "ayan may macros nako nito.", maya-maya nga, lumabas na nag macros ko... yun nga ang faith, diko naman talaga alam kung lalabas ang macro ko nung sinabi kong lalabas yon eh, pero lumabas nga ang macro ko, di ba faith yon? Ang galing! lahat ng sabihin ko natutupad.
Bukod sa extra money ko for today, hindi ko na din kinakilangan magbayad para sa lunch ko, kasi nilibre ako ni Jan Paul, hahah, hinde, actually, may utang siya sa akin na lunch kaya, turn nya naman ngayon. Ang galing, hindi ko na kinailangn pang magbayad today. Blessing, di ba?!
Ang galing-galing talaga, I feel so blessed kahit diko pa nakikita yung blessing na hinahanap ko, alam ko answred prayer na ako.
Nung hapon, dumating yung isa naming kasamahan, may dalang chocolates, another blessing?! Heheh, pero cyempre, shinare ko naman din kay Jan Paul yung chocolate na bigay sakin.;)
Tapos, nung nag-log-out ako sa IROZ, ang galing, isang beses lang ako nag-punch, okay na agad, pero hindi yun ganon nung mga nakaraang araw, laging, inaabot na ako ng mga 3:08, bago maka-log-out.
Nung nakasakay nako sa jeep, tumawa na si Hone at binungad anko ng pagbati, "Congatulations, Sweet?", si ko maitagio ang ngiti ko nung marining ko ung congratulations, pakiramdam ko, daig ko pa ang nanalo sa miss universe, hindi ko pa namna nakikita yung hanap ko, pero, labis na ang saya ko, yun ang FAITH.
Mabilis ang byahe sa MRT. Nung nasa Fx nako, bigla nalang umulan, nababsaa ko ang isip ng ibang tao, tungkol sa ulan... ang iba ay masaya, ang iba ay nag-aalala kasi wal silang dlang payong, ang iba ay nayayamot, ang iba parnag sinira ng ulan ang araw nila. Hay, ewan ba... ako,,, nung umulan, nakangiti ako... parang sinansabi sakin ng Diyos na "Hayan ang mga pagpapala ko sa iyo, anak, tanggapin mo, nais kong maging masaya ka!". Kaya naman ang ngiti ko, ngiti kung ngiti. Kahit sa likod ako ng tricycle sumakay, kahit malakas ang hangin at malakas ang ulan, okay lang, alam ko namang punagpala ako eh.
Pagkadating ko ng bahay, nilapag ko lnag ang gamit ko, nagpunas saglit ang kinuha nag telepono, tumawag nako sa GAO ng DLSU. Narining ko ang pamilyar na boses ng babe na siyang nag-asikaso din sakin noon nung nagsubmit ako ng requirements. Tinanong ko yung tungkol sa result, binigay ko ang petsa kung kelan ako kumuha ng exam, sabi nya, sa Lunes daw tumawag ako dun sa departamento para malaman ang schedule nung interview. Pgakatapos ay bigla nalang siyang nagpaalam at binaba nag telepono.
'Malabo, hindi ko naintindihan yung sinabi nya", sabi ko sa sarili ko, kaya naman, tumawag ulit ako at nilinaw ang mga bagay-bagy kay Ma'am. Ang sabi nya, part ng process ang interview, pagkatapos ng interview tsaka lang malalaman kung pwedeng ng mag-enroll. Pagkatapos nya i-explain, nauunawaan ko na sa pagkaktaong yaon. Pagkababa ko ng telepono, nasabi ko nalnag, "pasado na ako dun!" Yun ang Faith o pananampalataya. Diko pa din nakita o nalman ang tunay na resulta, pero nananalig ako na okay na ang lahat.
Salamat, Lord! Maghahanda na ako para sa interview. Isang kakaibang araw, ang lahat ng naiisin ng aking puso ay naibigay na sa araw na ito.
Friday, August 10, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment