Monday, September 12, 2005

Kung ayaw mo, e di 'wag

Nakakainis ka! Bakit ba? Ano bang ginawa ko? Masama bang mahalin ka? Kung ayaw mo e di wag... hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko! It's not my loss and will never be my loss! Ikaw ang nawalan hindi ako.

Ang manhid mo! Sobra! Bakit ka ganyan? Alam ko sinasadya mo. I don't deserve this treatment! Alam mo, sana hindi nalang kita nakilala... at alam mo rin ba... na ito ang kauuna-unahang beses sa buhay ko, na may ni-regret akong ginawa o nakilalang tao. Oo. masaya ka na, nasaktan mo ako. Alam mo ang problema sa'yo... you play your cards too safe... I know why... ayaw mo rejection- yun ang reason di ba? Tama ako? Pero bakit? Hindi naman kita nirereject ha. Or you're really that mean to make me fall in love with you... and to hurt me in the end?

Ayoko nang isipin ka. Gusto na kitang limutin... Siguro, this is the time to say goodbye. HIndi ko man masabi sa'yo in person, through fone, through text or even e-mail. Magpapa-alam na ako. HIndi ko nga alam kung mababasa mo 'to eh... or would you even care to visit this site. basta, ayoko na s'yo. Ayoko sa mga taong katulad mo. You're a big liar! Sabi mo, you will stay... but you did not... Ayoko ng makita ka. Pinaiyak mo ako, pero hindi mo alam yon... at kahit kailan, hindi mo malalaman yon- dahil wala kang paki-alam. Ikaw na ang pinakamanhid na taong nakilala ko sa buong buhay ko.

Now, this is truly goodbye!=(

No comments: